Reads: 29

 

When I was young, I was always asked what I wanted to be when I grow up. My mom always said to keep at it no matter what.

 

But things like being in a relationship and deciding for the love of your heart only comes into your curiosity when you are a teenager or fully grown up person.

 

Walang nagsasabi sayo tungkol sa bagay na ito, kusa mo nalang itong malalaman...mararamdaman.

 

Kasi masalimuot ang mundo ng pag ibig. Na hindi pa ito mauunawaan ng musmos na isip natin ang tunay nitong kahulugan. 

 

So instead, they ask first about our goals, career and dreams that we want to pursue then things like love comes latter. 

 

It serves as a reminder that I should pursue first myself, establish a goal for myself first before anything else. 

 

Sarili muna.

 

And I think that's the most meaningful realizations that knock on my head. 

 

"May gagawin ka ba? P-Pwede bang daan muna tayo sa Glorietta?" tanong ko kay Jen pagkababa namin ng building. 

 

Tapos na ang meeting at nauna pa ako kay ma'am Cortez na lumabas. 

 

"Ha? Bakit?" 

 

Hindi ako nakasagot at tumingin na lang sa kanya. 

 

Tumingin siya sa relo niya at hinawakan ako sa braso. 

 

"Mamayang gabi ko na lang gagawin. Maaga pa naman. Tara na kahit sa Mars pa 'yan!"

 

Pumara na siya ng tricycle at pag sakay namin ay agad niyang hinawakan ang ulo ko para isandal sa balikat niya. 

 

"There's no one here, you can cry now."

 

Like a trigger to a gun, my tears fall flawlessly on my cheeks down to my hands. 

 

I felt Jen's hand gently tapping my head but instead of calming me down, my tears fell even more.

 

Hanggang makarating kami sa Glo. Ay tahimik lang si Jen, kung normal lang na araw ito ay baka inasar o kinulit na niya ko sa nangyayari sa akin.

 

Sa likod ng amphitheater kami pumunta. Medyo maraming tao kasi hapon na pero konti lang dito sa bandang likod.

 

"Nag text si Kat kung nasaan daw ba tayo." Ibinaba niya yung bag sa gilid at tumabi sa akin.

 

Napayuko ako at pinaglaruan ang daliri ko. Medyo ok na ko pero yung mga luha ko hindi pa tapos. Buti nalang walang gaanong tao dito dahil kung nagkataon baka pinagtitinginan na ko ngayon. 

 

"Sorry. Feeling ko kasalanan ko," buntong hininga ni Jen ang bumasag sa katahimikan namin. 

 

Lumingon ako sa kanya, naguguluhan sa sinasabi niya. 

 

"Kaka asar ko sa'yo sa kanya, kaka banggit ko sa kanya. Ayan tuloy nahulog ka," 

 

"Jen..."

 

"Lagi ko siyang binabanggit sa'yo siguro minsan pa nagmu mukha ng inilalakad ko siya sa'yo 'yan tuloy nakapasok siya sa puso mo, lagi mo na siya iniisip," 

 

Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ako makapagsalita kasi mas nauuna pa ang mga luha ko kesa sa mga sasabihin ko. 

 

"Wala ka namang kasalanan."

 

" 'Yan tuloy umiiyak ka ngayon!" nanginig ang boses niya.

 

Sa aming dalawa ako ang mas mabilis umiyak. No'ng bata kami kapag inaaway siya kahit hindi ako ang inaaway ako ang unang umiiyak. 

 

She never cries even when deadline comes. Kahit pa natatambakan na siya ng projects, kahit nahihirapan na siya sa commisions niya. Nagrereklamo siya sa mga bagay-bagay pero hindi siya umiiyak. 

 

Kaya ang makitang umiiyak siya ngayon... nakakadurog ng puso. 

 

"Ano ba 'yan! H'wag ka nang umiyak, naiiyak na din tuloy ako," tumawa siya pero halatang pilit. 

 

Ngumiti ako. 

 

"Hindi naman ako umiiyak dahil malungkot ako. Masaya ako, tears of joy 'to!" tumawa din ako. 

 

Tumingin lang siya sa akin. Hindi nakangiti o tumatawa, nakatingin lang na parang binabasa ang mga iniisip ko. 

 

"Hindi naman lahat ng luha ay dahil sa kalungkutan. Hindi lahat dahil sa... Pag ibig," 

 

"Narinig kita no'n sa library. Sorry...pinasunod kasi ako ni Sir para sana sa isa pang libro kaya lang narinig kita."

 

Ako naman ngayon ang natahimik. Nahiya ako bigla ng maaalala ang araw na 'yon. 

 

"Akala ko nagre-rehearse kayo ng lines ng New Yorker in Tondo," mahinang sabi niya. I smiled bitterly.

 

Humarap siya sa akin, pero nanatili akong nakayuko at tahimik. 

 

"I'm sorry for eavesdropping. Hindi na din muna ako umamin sa'yo kasi naisip ko ise-share mo naman 'yon sa'kin kapag ready ka na." Bumuntong hininga muna siya bago nagpatuloy. " I'm not a love expert, pero kung gusto mo bakit mo tinulak palayo? Ayaw mo pero bakit iniiyakan mo?"

 

"H-Hindi naman lahat porket gusto mo ay maipipilit na," 

 

"Parang wala namang pilit sa inyong dalawa," mabilis niyang sagot.

 

"Paano kung hindi ko talaga siya gusto, nagustuhan ko lang iyong mga ginagawa niya pero hindi mismong siya Paan-"

 

"Paano kung hindi?" napatingin ako sa kaniya. 

 

"If we only like their actions, words, physical and facial features... Pag ibig ba 'yon?" Mahinang sabi ko. "Hindi 'di ba? Kaya pinalayo ko na siya. He deserves someone who'll match his love. It's Nica,"

 

"Aaminin ko, nagustuhan ko siya... Yes, gusto ko siya pero I don't like him enough to let him stay." 

 

Bumuntong hininga ulit si Jen at tumingin sa paligid. 

 

"Lahat ng nahuhulog hindi nasasalo, kaya ang swerte mo na kung may naghihintay sa'yong sasalo pagbagsak mo,"

 

Ngumiti ako, "Yung ibang nahuhulog ng tuluyan kahit nasaktan, nasugatan nakatayo pa rin. They're strong enough to let themselves fall even though they already knew that nobody's gonna be there to catch them. 'cause they trust themselves that they can do it alone. And that's what makes women... Powerful,"

 

"Yes! Kaya natin kahit nand'yan sila at mas lalong kaya natin wala man sila,"sang-ayon niya.

 

Ngumiti ako sa kanya. Mukha na kaming baliw dito na tatawa pagtapos ay iiyak. 

 

"Tears of joy sabi mo? Eh bakit ka naman masaya? Pero malungkot ang mga mata mo?" 

 

"Masaya ako kasi nakaya kong palayain na siya. It's the toughest decision I've ever made. Yung kahit gusto mo pa pero pinalayo mo na. I'm sad after doing it and it's normal. I guess ganoon talaga... Normal na masaktan, malungkot at umiyak tayo after natin gawin ang isang bagay o desisyon," 

 

"And it doesn't make you less as a person. Being weak also means strength, so if you don't feel okay at gusto mong may manood sa'yo habang umiiyak ka," hinampas ko siya. Loko talaga 

 

"Andito lang ako. Let it hurt until it hurts no more," nakangiting sabi niya.

 

"Wow, bakit hindi ganito ang takbo ng utak ko kapag exams?" Biro ko.

 

Sabay kaming natawa. Pinunasan ko ang natuyong luha sa pisngi ko. 

 

"Kaya nga... Ang bobo kasi natin sa academics 'yan tuloy ang talino natin sa pag ibig." Tumayo na siya at kinuha na ang bag niya. 

 

"Ang sabihin mo mas matalino lang talaga tayo pagdating sa mga kalokohan," tumayo na rin ako at inayos ang sarili. 

 

"Ayos kana? Text mo ko if anything still bothers you. Hindi pa ako marunong kumain ng biscuits at kape sa lamay," 

 

Hinampas ko ulit siya. Grabe talaga siya basta kalokohan active na active ang buong nervous system! 

 

"Kain muna tayo doon, nakakagutom pala maging matalino buti nalang hindi tayo laging ganito." Tinuro niya ang gilid ng kalsada kung saan may mga nagtitinda ng barbecue, kwek-kwek, fishballs at mga palamig.

 

"Tara," aya ko.

 

"Dito nalang din tayo magpasundo," 

 

Nagkwento pa si Jen tungkol sa inis niya kay Nica. Tinawanan ko nalang siya. Mas gusto kong ganito siya kesa ang kanina. 

 

Pagpasok ko pa lang sa bahay ay sinalubong na ko ni mama at sinabihang magbihis agad dahil sa labas daw kami magdi-dinner. Busog pa ko dahil sa pagme-meryenda namin ni Jen kanina pero hindi ko naman masabi dahil ang desisyon na 'yon ay galing kay daddy.

 

"You didn't even ask but for you to know, this dinner is a simple celebration for your kuya." 

 

Nasa kotse na kami at binabagtas na ang daan sa Mindanao Avenue ng sabihin iyon ni mama. Nagtaka ako doon at nilingon si kuya sa drivers seat na tumatawa. 

 

"He accepted the offer of your tita in Spain! He'll go there as an intern this coming September. Not bad for an experience right?" masayang sabi ni mama.

 

"Maliit na bagay!" si kuya natatawa.

 

"Wow, lakas mo ah, how about here... Philippines?" Tinapik ni mama ang kamay ko sa tanong na 'yon.

 

"Don't worry. He'll be back after 4 years."

 

"4 years?!" bulalas ko.

 

Sinipat ako ni kuya sa rearview mirror ng maabutan kami ng stoplight. 

 

"Wala ka sa graduation ko? Who'll drive me to school? How about you there? Dito nga sa Pilipinas hindi ka mabuhay ng wala si mama doon pa kaya," malungkot na sabi ko. 

 

I saw it coming. Before pa ang graduation ni kuya ay kino-contact na ni tita Mallyn si dad to be her intern. Tita is widowed. Maagang namatayan ng asawa at hindi nabiyayaan ng anak kaya naman wala siyang katuwang sa kumapanya niyang lumalago na sa Spain. 

 

She thinks kuya will be a great help to her. Same as kuya, who needs experience before meddling to dad's business.

 

Noong una ayaw ni kuya, kasi malayo and he dislikes the idea of being away from us. 

 

Humagalpak ng tawa si mama sa sunud-sunod na tanong ko. 

 

"That's why he really needs to push it. Kuya is not getting any younger, by this time dapat unti-unti na siyang matutong tumayo sa sarili niya at matuto sa reyalidad ng buhay." 

 

"Ah, yes... I hope you found the love of your life there," asar ko.

 

"Tsk! Until I'm not married you're not allowed to have a boyfriend."

 

Umismid ako, will have a boyfriend who??

 

"But we're still gonna miss you kuya, wala na kaming runner sa convenience store kapag nagutom kami ni mama ng madaling araw, and wala ng magluluto ng pancit canton ko kapag nagre-review ako para sa exam." 

 

Tumango si mama pero natatawa. 

 

"No more loud music at the house in the middle of the night," 

 

"If girls gonna miss me that much then I won't go." Tipid na sagot ni kuya na agad namanng sinaway ni mama.

 

"Magtigil ka nga Adamson!" 

 

Natawa na lang kami kay mama. 

 

There's more to life. More than anything it's family and friends who are always there at the end of the day.

 

Magulo ang classroom namin dahil sa mga palakad-lakad kong kaklase at sa ingay ng tawanan kung saan-saan. 

 

After lunch break binigay na sa amin ang mga natitira pang oras para sa pagsisimula ng unang practice namin, at sa room namin ito gagawin.

 

Yung ibang classmate ni Hassen ay nasa hallway at ang iba naman ay narito sa loob. 

 

Dahil nga madami kami marami rin tuloy sa amin ang mga walang ginagawa. Bukod sa panonood sa katabi kong si Kat na busy sa laptop ay wala na kong ibang ginagawa pa.

 

"Okay na kaya 'to? O mas magandang mas light 'yong shade ng background?" Pinakita ni Kat sa akin ang ginagawa niya. 

 

Nage-edit siya ng picture namin. Need kasi na may konting video presentation muna before mag-start yung play. It includes the names and pictures of those who participates on this project. Kailangan din ng bloopers kaya sila Regan kanina pa hawak ang kanilang cellphones at kumukuha ng kung anu-ano. Nakita ko kanina pini-picture an niya yung bakal ng bintana, bini-video ' yong tumpukan nilang magkakaibigan at ang pinakamalala pati 'yong flower design sa teachers table ay di rin niya nakaligtas. 

 

Mukhang wala pa kaming matinong nagagawa. Wala talagang matino pag sila ang gagawa.

 

"Ayos na 'yan. Gan'yan ang mga uso ngayon... Minimalistic designs," suhestiyon ko. 

 

Kung tutuusin saglit lang naman dapat ito gawin at kahit next week pa ay ayos lang pero dahil nga wala naman kaming ginagawa ay sinimulan na lang niya.

 

Busy ako sa kakapanood sa ginagawa ni Kat ng biglang may maglagay ng silya sa harap namin at umupo. Nag angat ako ng tingin at nakitang si Jen 'yon. 

 

Imbes na sa kanya ay mas napukaw ang atensiyon ko sa dalawang taong nasa likuran niya. Sa kabilang side, katapat ng pwesto namin. 

 

Magkatabi na naman sila at hindi tulad kahapon na masaya silang nag uusap ngayon ay pareho silang seryoso. Hindi ko ugaling manood sa kanila pero dahil katapat ng pwesto namin ay aksidente ko silang nakikita.

 

Hawak nila pareho 'yong papel pero hindi naman nila binabasa. Wala silang ibang kasama o katabi, silang dalawa lang doon, base sa ayos at kaseryosohan sa mukha nila halatang may nabubuong malalim na usapan.

 

Baka nag uusap na sila tungkol sa future nila, nagpa plano na sila ng kasal o kaya ay nagliligawan. 

 

I don't care. Pero ang makita silang gan'yan ay nakakainis. 

 

Ang sakit sa mata.

 

Ang sabi i-review 'yong script hindi maglandian sa tabi-tabi!

 

Sana lumabas na lang kayo. Hindi naman pala kayo seryoso sa project na 'to dapat ay palitan na kayo. 

 

Imbes na mag practice... Ayan! Tingnan mo! 

 

"May iba ka pang gagawin? Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ko kay Kat.

 

Umiling siya pero kinulit ko pa rin. Mas mabuti ng may ginagawa at tumutulong kesa naman sa iba diyan na scripts na nga lang ang aatupagin hindi pa magawa! 

 

Naaninag kong dumikit ng konti si Nica kay Dexter para siguro marinig amg kung ano mang ibinubulong niya. 

 

"You're too close,"

 

Nakita ko pang napangiti doon si Nica. May kung anong sinabi ang babae kaya tumawa si Dexter. 

 

Classroom 'to hindi park! Class hours 'to hindi oras ng landian! 

 

Nilibot ni Dexter ang paningin sa buong room at bago pa man magawi sa pwesto namin 'yon ay bigla akong na kong tumayo. 

 

Nagulat pa si Kat sa biglaang kilos ko na 'yon. Nakapatong kasi ang isa niyang kamay sa arm chair ko kaya naman nang gumalaw 'yon dahil sa biglaang pagtayo ko ay nagulat siya. 

 

Idinaan ko na lang sa ngiti ko ang inis na nararamdaman ko. 

 

"Bakit?" si Jen na nagulat din dahil sa ingay na likha ng inuupuan ko. 

 

Sorry guys nagulat din kasi ako sa nakita ko eh. 

 

"May bibilhin lang ako sa canteen, may ipapasabay ba kayo?" pagda-dahilan ko. 

 

"Uh-tubig?" tanging sabi ni Kat umiling naman si Jen.

 

"Ako din may bibilhin lang sa canteen," singit ni Shino habang nilalagay ang cellphone sa bulsa niya. 

 

"Hindi ko tinatanong." Umirap ako.

 

Hindi ko na siya pinansin at kinuha ko na lang ang wallet ko sa bag.

 

"May ipapasabay ba kayo?" Tanong niya sa mga kaibigan niya pero wala naman akong narinig na sumagot sa kaniya.

 

Lumabas na ko at nagmadaling maglakad. Hindi ko alam kung ano ang pakulo netong si Shino, bahala siya sa buhay niya.

 

Kumuha lang ako ng tubig at three biscuit pati iilang kendi pagkatapos ay papunta na sa cashier para magbayad, kaso ni hindi ko pa naihahakbang ang paa ko ay agad ng humarang si Shino sa daraanan ko. 

 

"Grabe ang bilis mo, tumakbo ka ba?" hinihingal niyang sabi.

 

Eh bakit ka kasi tumakbo? At bakit ka nakasunod? Gaya-gaya.

 

"Magbabayad na ko."

 

Humarang ulit siya ng sinubukan kong humakbang.

 

"Hintayin mo na ko para ka namang di classmate," 

 

"At bakit?" 

 

"Medyo marami, patulong mag buhat." Ano daw? 

 

At gagawin pa kong taga buhat?

 

Sa pagkakaalala ko wala namang nagpabili sa kanya ah.

 

Kumuha na siya ng food tray bago pa man ako maka angal. Nag lagay siya do'n ng kung anu-anong pagkain. Karamihan puro chichirya. 

 

Mabilis siyang kumuha ng kahit na anong mahawakan niya, without even thinking and checking the price ay inilalagay niya sa tray.

 

Mag-hoard daw ba ng snacks sa canteen? Para siyang namimili ng mga premyo para sa mga bata ah.

 

Pinagtaasan ko siya ng kilay pagka lapit niya sa akin. Paano ba naman halos mapuno ang food tray ng puro chichirya. Magmo-movie marathon ba sila sa classroom?

 

"Tara na ay- wait pahawak muna please, kukunin ko lang pambayad nasa bulsa ko eh." No choice kong inabot ang hawak niya. Dahil nga may hawak din ako at para hindi mahirapan ay inilagay ko na lang din sa food tray ang mga hawak ko. 

 

"Shit!" narinig kong bulong ni Shino. 

 

Nang lingunin ko siya ay kinakapa niya ang bulsa niya habang nakangiti sa'kin ng alanganin. 

 

"Bakit na naman?" 

 

"Ah.. hehe naiwan ko yata sa room 'yong wallet ko," mahinang sabi niya. 

 

Hay nako sa dami ng pwedeng iiwan bakit wallet pa? Pwede namang sapatos mo na lang. 

 

"Hay nako. Ako nalang ang magbabayad tapos bayaran mo na lang ako sa room."

 

Pinigilan niya ulit ako ng maglakad ako. 

 

"Ay hindi hindi! Hindi ko hinahayaan magbayad ang babae para sa akin. I'm a gentleman. Hintayin mo nalang ako dito kunin ko lang sa room yung wallet ko." agad siyang naglakad palayo. 

 

"Hindi naman kita pinapautang! Babayaran mo naman ako sa room," baka mamaya matagalan pa ko dito kung hihintayin ko pa siyang makabalik, sabing ako na nga lang muna magbabayad eh.

 

Gentleman your face!

 

Umiling-iling siya. "Hindi pwede. Saglit lang 'to, bibilisan ko." Sagot niya bago tumakbo paalis.

 

Kainis naman. Hays, pero ayos na rin kesa ang bumalik agad sa room at makita na naman ang mga taong hindi dapat makita.

 

Hindi ko na naisipang umupo muna kasi tumakbo naman siya kaya sigurado maya-maya lang nandito na 'yon. 

 

And true enough hindi katagalan ay may nakita na akong kapareha kong kulay ng uniform. 

 

But I'm expecting Shino not... Him

 

Pinilit kong ikalma ang sarili kahit pa gusto ko nalang iwan ang food tray na hawak ko at kumaripas ng takbo. 

 

Oh gosh! Bakit nandito siya? Asan si Nica? Bakit hindi niya kasama? Bibili din ba siya? 

 

Malamang baka canteen 'to. Anong gagawin niya dito? Manonood ng mga nagtitinda at bumibili?

 

Malaki ang canteen kaya naman nag patay malisya nalang ako sa pagdating niya. Tumalikod na lang ako para hindi na siya makita. Pakialam ko ba kung bibili siya, kahit ubusin niya pa lahat ng tinda dito anong pakialam ko?

 

"Akin na, babayaran ko," 

 

"Ay malaki!" Halos mabitawan ko ang hawak ko dahil sa malalim na boses na iyon. Ni hindi ko na kailangang lingunin pa kung sino 'yon.

 

"Yes, malaki ang babayaran kaya... Ako na," gosh nagsalita siya ulit!

 

Humarap ako at ang hinihingal na Dexter ang bumungad sa akin. 

 

Bakit siya hinihingal? Nakita ko siyang naglalakad lang ah? Nakakahingal na din ba ang maglakad?

 

Tumikhim ako."Hindi na. H-Hinihintay ko lang si Shino... Ano... kinukuha lang yung wallet niya sa... Room." Halos di ko makilala ang sariling boses dahil sa hinhin no'n.

 

Luh, saan galing 'yon?

 

"Hindi niya makita ang wallet niya. Ako na lang pinapunta niya," halos bulong niya.

 

Pahinaan ba kami ng boses dito? 

 

Hindi na ako nagsalita kaya iniabot ko na lang ang tray sa kanya. Hindi ko pa man tuluyang nailalapit sa kanya ay hinawakan na niya 'yon.

 

Bolta-boltaheng kuryente mula sa Meralco ang mabilis na umagos sa buong sistema ko nang hindi niya sinasadyang mahawakan ang mga daliri ko.

 

Muntik ko pang mailaglag ang laman ng tray dahil doon buti na lang hawak na rin niya. 

 

Sa lapit naming dalawa mukha na kaming nagchi-chismisan dito. 

 

I can feel his intense stares at me. 

 

Iyong tagos sa buto. Iyong nakakatunaw.

 

Kaya kahit mangalay ako kakayuko rito ay hindi talaga ko titingin sa kanya. 

 

"A-Ako na magbabayad... No'ng pagkain namin." sabi ko at akmang kukunin na 'yong mga pinatong ko kanina pero tumalikod na siya agad. 

 

"Ako na. Peace offering ko na lang." Tsaka siya naglakad papunta sa cashier. 

 

Wow. Libre!

 

"Magkano po lahat," rinig kong sabi niya doon sa cashier. 

 

Okay, sinabi mo eh hindi naman ako tumatanggi sa libre, tsaka sige na nga...

 

Peace offering accepted former President.

 


Submitted: February 06, 2025

© Copyright 2025 hsyres. All rights reserved.

Chapters

Add Your Comments:


Facebook Comments

More Young Adult Books

Boosted Content from Premium Members

Book / Thrillers

Book / Science Fiction

Short Story / Non-Fiction

Poem / Religion and Spirituality

Other Content by hsyres

Book / Fantasy

Book / Young Adult