My Little Love Story (Tagalog)
Short Story by: mhicabells
Reads: 205540 | Likes: 414 | Shelves: 22 | Comments: 6
Hello~! This is a Tagalog/Filipino Story. I originally published it on Wattpad kaya itatry ko naman dito :) Hope you like it. By the way, I'm newbie here.
My Little Love Story
One Shot. Hindi naman lahat ng sumusuko, MAHINA at TALUNAN. May mga bagay at tao lang talaga na dapat SUKUAN para hindi kana masaktan
***
“Cain!” nakangiting tawag ko habang papalapit ako sa bench kung saan siya nakaupo.
Nasa field ako ngayon kasi break nanamin. Papunta na sana akong Canteen ng makita ko si Cain kaya naman tinawag ko na siya.
Papalapit palang ako ay alam ko nang hindi siya sa akin nakatingin. Tinawag ko na nga hindi man lamang siya ako matapunan ng tingin.
“Yo!” sabi ko at hinampas siya sa balikat at umupo sa tabi niya.
Tumingin siya sa akin at tinanguhan lang ako at bumalik ulit sa tinitingnan niya.
“Sino ba yang tinitingnan mo?” kunwaring tanong ko.
Hindi ‘ano’ ang tanong ko kasi alam ko namang ‘sino’ ang dapat na tanong.
Hindi niya ako sinagot at hindi niya rin ako tiningnan, nanatiling nakatingin siya sa babaeng laging umaagaw sa atensiyon niya.
Tiningnan ko naman yung babae at nakita kong nagtatawanan sila nung kaibigan niya. Siya si Yumi, ang babaeng mahal ng taong gusto ko. Alam niyo bang alam ko lahat ng tungkol sakanya? Tulad ng ang gusto niyang kulay ay Blue, allergic rin siya sa hipon, may aso siyang pangalan ay puppy, may scene siya sa lab na sumabog yung experiment niya.
Kayang-kaya ko na nga gawan ng Biography yung buhay niya. Bakit? Kasalanan ko bang tuwing mag uusap kami ni Cain ay nasisingit niya si Yumi sa usapan? Kasalanan ko bang dumadaldal lang siya tuwing tungkul kay Yumi ang usapan?
Ang katabi ko ngayon ay si Cain Reyes. Ang bestfriend ko at ang taong gusto ko. Tahimik pero pag si Yumi ang usapan ay dumadaldal. Ang lagi niyang bored na mata ay kumikinang pag nakikita niya si Yumi. Ang cool effect niya ay nawawala tuwing malapit na si Yumi. At wait... Nasabi ko nabang si Yumi ang taong mahal niya at sakanya lang umiikot ang mundo niya? Kung hindi pa, ayan nasabi ko na.
Masakit para sa akin na tuwing nag uusap kami ay laging nakay Yumi ang paningin niya, ang utak niya at ang puso niya. Pero anong magagawa ko? Wala... Wala kundi maging masaya para sakanya dahil nahanap niya na ang taong magpapasaya sakanya. At obviously. Hindi ako yun.
“Oy!” tawag niya at pinitik pa yung noo ko.
Kumunot naman yung noo ko “Bakit?” tanong ko.
“Tara na sa Canteen”
“Okie”
Tumayo na ako at naglakad na kaming papuntang Canteen. Pero bago pa man kami makalayo ay nakita ko munang binigyan ni Cain si Yumi ng isang huling tingin at sumabay na sa akin maglakad.
“Kung ako nalang kasi ang tinitingnan mo” sabi ko at sapat na para marinig niya.
“Ha?” tanong niya
At nasabi ko narin bang MANHID siya? oh ayan. Nasabi ko na/
“Wala”
**
“Gusto mo ba siya?” tanong sa akin ni Yumi.
Oo ni Yumi. Si Yumi, yung babaeng gusto ni Cain. Yung babaeng nagpapasaya kay Cain at Yung babaeng bumihag sa puso ni Cain
Magkaibigan kami.
Hindi pala... BESTFRIEND din kami.
Saklap noh?
“Halata mo na ba?” sarkastikong tanong ko sakanya. Andito kami ngayon sa isang Ice Cream Parlor kasi niyaya niya ako para kausapin.
Simula nang malaman kong may gusto sakanya si Cain ay medyo umiwas na din ako. Ang awkward kasi pero hindi ko maalis na namimiss ko rin siya. Pero hindi ko rin maalis na tuwing kaharap ko siya ang una kong naiisip ay ‘siya pala’. Siya pala yung babaeng mahal ni Cain.
“Nasabi mo naba sakanya?”
“Paano ko masasabi eh laging nasayo ang atensiyon niya?” bitch na sabi ko at parang nagulat naman siya.
Napabuntong-hininga nalang ako “Sorry” mahinang sabi ko sakanya. Sa tuwing maiisip ko na gusto siya ni Cain ay naiinis ako, pero alam kong mali yun dahil wala naman siyang ginawang masama kundi maging mabuting kaibigan sa aming dalawa.
“Okay lang” nakangiting sabi niya.
Yan si Yumi. Sweet, maunawain, masayang kasama at mabuting kaibigan. Kaya nga nakuha niya agad ang loob ko at ni Cain
“Sa tingin ko ay kailangan mong sabihin sakanya yan” sabi niya.
“Paano ko nga masasabi kung ikaw ang mahal niya?” medyo inis na sabi ko.
“So?” inosenteng tanong niya.
“So? Anong so? Edi wala akong pag asa don! Kasi simula’t sapul ay ikaw na ang gusto niya!” inis na sabi ko.
“Paano mo nasabi na wala kang pag-asa?”
“Dahil ramdam ko at alam ko” matigas na sabi ko.
“Sky... Mas maganda parin na sabihin mo na sakanya ang nararamdaman mo para sakanya. Hindi yung iwas ka lang ng iwas at tago ka ng tago sakanya”
Tama kayo ng basa. Nitong mga nakaraang linggo ay iniiwasan ko na si Cain dahil mas lumalala na tong nararamdaman ko para sakanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naman umiiwas na ako.
“At tska, pag alis mo ay wala kanang pagsisisihan pa at wala kanang mabigat na dinadala.” pagpapatuloy niya.
Aalis ako pero hindi dahil kay Cain. Pero isa narin iyon sa dahilan kung bakit pumayag akong umalis. Pupunta akong US dahil pinapatawag ako ng mga parents ko doon para tulungan sila sa business namin. Titigil muna akong pag aaral at iyon muna ang iintindihin ko, okay lang naman sa akin dahil bata palang ako ay gusto ko nang manahin ang business namin.
“At tska malay mo... Mag bago ang isip mo pag narinig mo ang sagot niya?” sabi niya pa na parang pinapataas ang ‘pag-asa level’ ko.
At dahil magaling magkumbinsi si Yumi ay napapayag niya ako. Magtatapat na ako sakanya.
At KINAKABAHAN agad ako.
*
Andito ako ngayon sa rooftop. Malakas ang hangin dito at buti nalang hindi ganoon katirik ang araw o uulan.
Dito ko pinapunta si Cain dahil magtatapat na ako. Sasabihin ko narin sakanyang aalis na ako dahil hindi ko pa nasasabi sakanya.
Naglakad akong papunta sa railing at doon pinatong ang mga braso ko.
Naalala ko yung unang pagkikita namin ni Cain. Ang masasabi ko ay hindi iyon ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko.
Gabi na non at naglalakad lang ako pauwi. Matagal kasi kaming pinauwi dahil may meeting pa sa mga Club. Kilala ko nanon si Yumi kaso hindi ko siya kasabay noon dahil may kailangan pa siyang puntahan.
Walang mga post light sa paligid at wala ring taong nadaan sa dinadaanan ko noon. Medyo kinabahan ako at naglakad ng mabilis.
Wala akong naririnig na yabag papunta sa direksyon ko pero kinakabahan ako. Mas binilisan ko yung lakad ko at this time doble doble na ang kaba ko.
“Umffff” pagpupumiglas ko sa.
May biglang nagtakip kasi ng bibig ko at yumakap sa bewang ko. Kinaladkad niya ako sa isang eskinita.
“Wag kang mag alala, saglit lang ito” bulong niya pa sa tenga ko.
Bigla niya akong patapon na binitawan at naramdaman kong tumama yung likod ko sa pader at MASAKIT yon.
Doon na ako nanginig sa takot at walang tigil na pumatak ang luha ko. Papalapit na siya ng papalapit pero hindi pa siya nakakalapit ay biglang may sumapak sakanya.
At gaya sa mga teleserye ay may tumating para sagipin ako at yun ay si Cain.
“Ayos ka lang ba?” nag aalalang tanong niya at tango na lang ang naisagot ko
Sobrang takot ko noon per dumating si Cain at niligtas ako. Simula noon ay hindi ko na siya maalis sa isip ko at pinahanap ko patalaga siya sa mga tauhan ko. Kung anong pangalan niya at kung anu-ano pa. Doon ko lang din nalaman na schoolmates pala kami.
Naputol ang pag iisip ko nang may bigla akong narinig nang pagbukas ng pintuan.
Tug Dug
Hindi ako lumingon at unti-unti kong narinig yung yabag ng mga paa niya papalapit sa akin
Tug Dug
Hanggang makalapit na siya sa tabihan ko. Parehas na kami ngayong nakatingin sa tanawin. Kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong si Cain yun dahil amoy na amoy ko yung matapang niyang pabango.
Alam kong kahit hindi niya sabihin ay nag aantay siya ng sasabihin ko. Tumikhim pa ako ng kaunti bago magsalita “Naalala mo ba nung mga bata tayo?” nakangiting panimula ko pa habang nakatingin sa tanawin.
Hindi ako tumingin sa kanya at nanatiling nasa kawalan ang paningin ko pero alam kong nakikinig siya sakin “Tuwing gabi ay tatakas tayo para mag abang ng shooting star... Kahit alam nating matagal at minsan ay hindi siya dadating ay matiyaga tayong naghihintay...” nakangiting sabi ko habang inaalala yon.
“Alam kong minsan ay naiinip kana sa kakahintay pero sinasamahan mo parin ako kasi alam mong gustong-gusto ko iyon makita... Kaya laking pasalamat ko at nandiyan ka” sabi ko at tumingin sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at nginitian ko siya at tumingin ulit sa kawalan.
“Simula nang iligtas mo ako ay lagi na tayong magkasama. Hindi mapaghiwalay at lagi mo pa nga akong nililigtas. Parang ikaw na nga ang Knight in shining armor ko non eh” sabi ko at medyo napatawa pa at ganon din naman siya
“...Siguro nga ay maliit na bagay lang ang mga ginagawa mo sa akin. Pero sa mga maliit na bagay na iyon... unti-unti akong nahuhulog sa’yo” sabi ko at ngumiti at tumingin sakanya.
Kitang-kita ko ang pagkagulat at paglaki ng mga mata niya. Hindi siya nagsalita kaya naman huminga ako ng malalim “Cain... gusto kita” totoong ngiting sabi ko sakanya.
Kitang-kita ko ang pagbabago ng mga emosyon niya dahil nanatiling nasakanya lang ang paningin ko. Pagkagulat, pagkalito at higit sa lahat lungkot.
*KATAHIMIKAN*
Tug Dug. Tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.
*KATAHIMIKAN*
Tug Dug. Napahugot naman ako sa hininga ko at feeling ko ay hindi ako makahinga
*KATAHIMIKAN*
Tug Dug. Ramdama ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba ko at dahil alam ko na ang sasabihin niya
*KATAHIMIKAN*
Maya-maya pa ay huminga muna siya ng malalim at yumuko. Napangiti naman ako ng malungkot
“Sorry” Sincere at malungkot na sabi niya.
Napayuko naman ako kasi naramdaman kong parang pinipiga yung puso ko. At wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko.
Sorry dahil hindi niya kayang ibalik ang nararamdaman ko.
“Sorry. Pero hindi ikaw ang gusto ko at kapatid lang ang tingin ko sayo” sinserong sabi niya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatingin lang ako sa sahig”
Dati ay gustong gusto ko ang pagiging straight forward niya pero parang ngayon ay hindi na...
Masakit. Sobrang sakit.
Huminga muna ako ng malalim at pilit ngumiti. Kahit pa ngumiti ako ay hindi noon maalis ang sakit ng nararamdaman ko pero at least... natatakpan noon ang sakit na nararamdaman ko para hindi makita ng ibang tao.
Tiningnan ko siya sa mata at nakita kong malungkot ang mga mata niya. Huminga ako ng malalim “Wag ka munang magsasalita ha? Mag iispeach pa ako.” pagbibiro ko dito at hindi siguradong tumango siya
Kaya naman nagsalita na ako “Hindi ko masasabing okay lang ako dahil hindi naman talaga. Magiging kaplastikan yun kung ganon. Masakit sa akin na hindi rin ganoon ang nararamdaman mo pero hindi naman ako ganoon kadesperado para ipagpilitan ang sarili ko”
“Huwag kang mag sorry kasi wala ka namang kasalanan dahil kusa akong nahulog sayo. Hindi mo rin naman kasalanan na hindi mo masusuklian ang nararamdaman ko dahil magkaiba tayo. Gusto mo siya, gusto kita at ewan ko lang sakanya.”
“Alam kong pagkatapos nito ay hindi na natin maiibabalik yung dating tayo. Magkakaroon tayo ng gap at magiging awkward yun satin. Pero masaya ako kasi hanggang ngayon ay pinapakinggan mo ang drama ko at magiging masaya ako kung magkakatuluyan kayo ni Yumi” totoong ngiting sabi ko at nagulat pa siya.
Huminga ako ng malalim at tumalikod na. Mabilis akong naglakad papuntang pinto at alam kong andoon parin siya sa puwesto niya dahil hindi ko siya narinig gumalaw.
Bago pa man ako makaalis ay may sinabi ako sakanya “Aalis na ako next week papuntang US. Kinukuha na ako nila Mom at Dad doon. Kung iniisip mong dahil nireject mo ako, medyo tama ka dahil isa rin yun sa dahilan ko” nakatalikod na sabi ko, binuksan ko ang pinto at “Paalam...” bulong ko pero sana rinig niya at SINARA ko na ang pinto.
Kasabay ng pagsara ng pinto ay ang pagtulo ng mga luha ko
***
Tatlong araw na ang lumipas pagkatapos ng magcoconfess ko kay Cain. Sa tatlong araw na iyon ay hindi ako pumasok sa klase at pinayagan naman ako ng mga teachers kasi ang sabi ko ay nag aayos na ako papuntang US.
Pag katapos ng confession ko ay tinawagan ko agad si Yumi at agad naman siyang pumunta sa bahay namin. Naiyak naman ako at alam niya na ang nang yari noon.
Nagi-guilty si Yumi at alam ko iyon pero wala akong magawa kasi wala nanaman akong ibang pagsasabihan kundi siya lang. Naiintindihan naman daw niya pero hindi daw maalis yung guilt na nararamdaman niya.
Andito ako sa kwarto at nag-iisip isip. Kung Ano at Paano ang gagawin ko.
KINABUKASAN
Pumasok na ako ng school dahil may iilang araw pa akong natitira at ayaw ko naman itong sayangin.
Tug Dug
Naglalakad ako sa corridor nang makita kong magsasalubong kami.
Sa ilang araw ng pag-iisip ko ay hindi ko alam ang gagawin ko. Iniisip ko... Paano ko ba sisimulan?
Nang malapit na kami sa isa’t-isa ay doon lang nagtama ang aming mga mata.
Tug Dug
Napahinto siya at ganoon rin naman ako.
Nakatitig lang siya sa akin kaya naman binigyan ko siya ng isang totoong ngiti “Good morning” kaswal na bati ko na ikinagulat naman niya at hindi agad siya nagsalita.
Paano nga ba sisimulan? Sa dami nang naisip ko ay isa lang pumasok sa kukote ko. Isang simpleng ‘Good Morning’ lang ayos na.
Nang hindi parin siya nag salita ay nilagpasan ko na siya. Pero hindi pa ako nakakalagpas ay nakita ko siyang ngumiti “Good morning too” sabi niya.
Napahinto naman ako pero agad agad lumakad ulit. Napangiti ako. Iyon lang solve na.
Nakapagdesisiyon ako na simula sa araw na ‘to ay hahayaan ko lang ang nararamdaman ko. Hindi ko naman kasi ito maalis basta-basta nalang kaya naman mas maganda kung ieenjoy mo nalang.
Hindi man naging successful ang unang confession ko ay sisiguraduhin ko namang tagumpay na ang mga susunod dito.
“Sky!” tawag sa akin ng mga kaklase ko at may ngiti sa labi akong lumapit sa kanila.
I’m Sky Lee and this is My Little Love Story.
****
END! Hope you enjoy it. Eedit ko nalang to pag sinipag po ako. HAHAHA XD
-mhica?
Submitted: December 13, 2013
© Copyright 2025 mhicabells. All rights reserved.
Facebook Comments
More Romance Short Stories
Discover New Books
Boosted Content from Other Authors
Book / Romance
Short Story / Other
Short Story / Other
Poem / Poetry
Boosted Content from Premium Members
Book / Thrillers
Short Story / Literary Fiction
Short Story / Children Stories
Book / Fantasy
Other Content by mhicabells
Short Story / Romance
Mei Reyes
bitin :(
Wed, November 9th, 2016 12:49pm